Affiliate disclosure
Paano kumikita ang ReSpecz
May affiliate links ang site na ito
Ang mga "Shopee Checkout" at "Bilhin sa Shopee" na button ay Shopee affiliate links. Kapag bumili ka gamit ang mga ito, may maliit na commission ang ReSpecz mula sa Shopee. Walang dagdag sa presyo mo, at hindi nito binabago kung aling parts ang ipinapakita namin: ang mga suggestion ay batay sa budget, compatibility at presyo.
Featured picks at ads
Ang "Featured" na parts ay pinili ng ReSpecz. Kapag bayad ang isang featured slot, may nakasulat na Sponsored. Laging may Sponsored na label ang mga ad, at hindi nito binabago ang compatibility check o ang mga suggestion sa Mag-Build.
Presyo at photos
Galing ang presyo sa Shopee Mall listing noong araw na na-check namin (nakasulat sa site), at puwedeng magbago anumang oras. Galing din sa Shopee ang product photos. Palaging i-check ang presyo, variant, seller at reviews sa Shopee bago bumili.
Hindi kami ang seller
Ang order, bayad, delivery, warranty at returns ay sa pagitan mo at ng seller sa Shopee. Wala kaming hawak sa mga iyon.
Gabay lang ang compatibility check
Batay ito sa published specs (socket, RAM type, wattage, laki ng case at GPU). I-double check ang eksaktong model bago mag-order, lalo na ang haba ng GPU at BIOS support. Ang 3D PC sa home ay illustration lang, hindi ang eksaktong produkto.
Si Ark at ang Troubleshooter
Ang mga sagot ni Ark (ang Assistant ni ReSpecz) at ng Troubleshooter ay galing sa knowledge base ng ReSpecz at sa parts list ng site. Hindi ito AI at hindi ito technician, kaya gabay lang ito: palaging patayin at bunutin ang PC bago buksan, at huwag buksan ang PSU. Para mapabuti si Ark, maaari naming itala ang mga tanong na hindi niya nasagot (o minarkahang "Hindi ito ang hinahanap ko"), kasama ang page kung saan ito tinanong. Walang pangalan, account o IP address, at tinatanggal muna ang email, cellphone number at links bago itala. Huwag maglagay ng personal info sa chat.
May tanong?
Mag-message sa ReSpecz sa Facebook.